Thursday, July 10, 2025

Marcos Pinuri ang P’sinan na Outstanding Kadiwa Implementer

 

MULING kinilala ng nasyonal na Pamahalaan ang galing ni Governor Ramon V. Guico III sa implementasyon ng mga proyektong nagsusulong sa ikabubuti ng mga magsasaka, maliliit na negosyante at mga mamimili.


Kamakailan lang ay pinarangalan ng Department of Agriculture ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan bilang National Grand Winner for Outstanding Kadiwa ng Pangulo Implementer sa 50th Gawad Saka.

Personal na tinanggap ng Office of the Provincial Agriculture, sa pangunguna ni OPAG Head Dalisay Moya, ang trophy, certificate, at P450,000 cash prize. Ito ay pagkilala sa makabuluhang kontribusyon ng lalawigan sa pagpapalakas ng market linkages, food accessibility at sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya.

Una nang kinilala ang lalawigan bilang Regional Outstanding Kadiwa ng Pangulo LGU Implementer noong June 23, 2025 sa isinagawang 50th Gawad Saka Regional Awarding Ceremony sa San Fernando City, La Union. (Danna Laureano| PIMRO photos-OPAG)

No comments:

Post a Comment