Ni Mortz C. Ortigoza
BINMALEY, Pangasinan – Lubos na nagpapasalamat ang reelected na alkalde dito sa coastal first class town sa bloc voting na mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).
“Lubos ang aking pasasalamat sa Iglesia Ni Cristo sa tiwala at suporta na inyong ipinagkakaloob sa ating pamahalaang lokal. Isa po kayong inspirasyon sa pagkakaisa, pananampalataya, at serbisyo sa kapwa. Magkaisa tayong maglilingkod para sa ikabubuti ng ating komunidad,” ani two-term Mayor Pete Merrera.
Tinalo ni Merrera si Vice Mayor Sam Rosario – isang dating nine-year
alklade dito – ng may margin na 11, 505 boto sa eleksyon na puno ng mga palitan
ng mga maaanghang at nakakasira na mga salita na galing sa dalawang
naguumpugang kampo. Bukod pa dito halos tatlong taon bago magsalpukan ang
dalawa sila ay nagbatuhan ng mga kriminal at administratibo na mga asunto sa
Ombudsman at sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.
Ani Mayor ang ikalawang panalo niya ay isang malaking karangalan at
inspirasyon upang mas pag-igihan pa ang niya ang paglilingkod sa bayan ng
Binmaley.
“Nawa’y patuloy kayong pagpalain sa
inyong di-matatawarang pananampalataya at pagkakaisa. Maraming salamat po,”
dagdag pa ng Chief Execuvite na isang inhinyero at malaking negosyante sa Pangasinan sa INC na binibigyan ng di matawarang respeto ng mga pulitiko sa buong Pilipinas pagdating ng kampanya ng eleksyon.

No comments:
Post a Comment