Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
MANGALDAN, Pangasinan - Kahit na nakapanumpa na ang mga nanalong kandidato noong Mayo 12 eleksyon hindi pa rin sila pwedeng makaupo sa kanilang mga pwesto pag wala silang maisumite na Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs).
Sa kanilang pagkabigong magkapagsumite ng kanilang mga SOCE sa Commission on Election (Comelec) ito ay maging hadlang sa pag upo nila sa kanilang mga naipanalong pwesto, ayon sa Omnibus Election Code (OEC).
"Even if you have taken your oath of office, you cannot assume office
until you have proof of submitting your SOCE," ani Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa isang press briefing
kamakailan sa Tent City sa Manila Hotel.
Uupo ang mga bagong halal na kandidato sa kanilang pwesto sa tanghali ng Hunyo 30 ngayong taon, ayon sa Local Government Code.
Ani Laudiangco, ang mga national
at local candidates, kasama na rin ang mga political parties at party-list
organizations, ay may hanggang 30 araw magmula sa Mayo 12 eleksyon na mag sumite
ng kanilang SOCEs na ipinag-utos ng Republic Act (RA) No. 7166. Ang huling araw
na iyon ay noong Hunyo 11.
Magandang halimbawa para sa ibang
mga kandidato si Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayano. Noong Hunyo 8 ibinigay
niya ang kanyang SOCE sa opisina ng Comelec sa first class na bayan dito.
Kasama ni mayora sa pagsusumite
ng kani-kanilang SOCE ang mga bagong halal na miyembro ng Sangguniang Bayan na
sina Councilors Marlon A. Tibig at Atty. Leah V. Evangelista.
Kasama sa SOCE ang aggregate
amount ng mga kandidato gaya sa P3.00 kada botante kung siya ay may partido. “Provided, That, a candidate without
any political party and without support from any political party may be allowed
to spend Five pesos (P5.00) for every such voter; (...)." ayon sa Republic
Act No. 7166 na ipinasa noong 1991.
Pati ang mga donors at suppliers ay kailangan din magsumite ng kanilang mga Reports of Contributions (ROC) base sa Section 102 ng OEC.
![]() |
MANGALDAN reelected
mayor Bona Fe D. Parayno and newly elected councilors Marlon A. Tibig at Atty.
Leah V. Evangelista filed in June 8 their Statements of Contributions and
Expenditures (SOCEs) at the office of the Commission on Election at the
burgeoning town. Deadline for the filing of the SOCE was June 11 this year.
Babala pa ni Comelec spokesman na
ang mga nanalo at natalo sa eleksyon na hindi nag sumite ng SOCE ay makakasuhan
ng administrative case.
"Their
failure to file SOCE may result to fines for the first offense. For the 2nd
time, it can result to perpetual disqualification," paliwanag
niya.
Ang mga kandidato, ani Laudiangco,
ay kailangan maghain ng kanilang SOCE sa mga tanggapan ng Comelec kung saan
nila isinumite ang kanilang mga Certificate of Candidacy (COCs) noong isang
taon.

No comments:
Post a Comment