Monday, April 28, 2025

Black Prop ng Taga Espino, Supalpal!

 Ni Mortz C. Ortigoza

Parang tuliro ang mga mga tagasuporta ng mga Espino na basta na lang sisiraan ang Guiconsulta at ang proseso nito para makakuha ng libreng lunas ang isang mahirap sa isang provincial government owned hospital.

Lingid sa kanila, ang Guiconsulta at PhilHealth Konsulta ay naipaliwanag na ng ilang beses ni Pangasinan Governor Monmon Guico, Vice Gov. Mark Lambino, at mga opisyales ng provincial government sa mga taga lalawigan. Alam na nila kung ano ang benepisyo nito laban sa tsubibo ng mga taga Espino.

Photo is internet grabbed.

Pasok sa eksena ngayon itong si Mitch Calugay Cabanisas – bata ng mga Espino -- na nagmukhang payaso matapos niya banatan ang mga kawani ng Lingayen District Hospital matapos hanapan sila ng Guiconsulta sa 15 taon na pasyenteng dinala doon dahil sa motorcycle mishap.

Ayon sa nagasagap kong impormasyon:

  1:54 A.m noong April 20, isinunugod ni Cabanisas at isa pang di nakikilalang babae ang kanyang 15 anyos na pamangkin sa Lingayen District Hospital. Nasugatan ito at nagkagalos dahil naaksidente sa motorsiklo; Pagdating sa ospital, agad siyang inasikaso ng mga medical staff; 2:50 A.m, inumpisahang tinahi ang mga tinamong sugat ng pasyente. (Take note: Umabot ng 50 minutes bago natahi ang mga sugat ng pasyente sa kadahilanang kailangan makuha muna ang consent ng mga magulang ng bata.); Bandang 3 A.m, tuluyang natapos ang pagtahi at paglapat ng karampatang lunas sa pasyente; Kasunod nito ay nagtungo ang pasyente at kanyang magulang sa pharmacy dala ang mga reseta. Ayon sa pharmacist na siya ring nakatalaga sa billing section, tinanong niya kung may GuicoConsulta ID ang pasyente. Ang sagot ay wala; Bakit niya tinanong? Ito ay dahil may mga benepisyo o bayarin na hindi sagot ng PhilHealth pero maaaring sagutin ng GuiconSulta. Nais kasi ng Guiconsulta na maipagamot ng libre ang lahat ng Pangasinense, bata man o matanda, botante man o hindi; Dahil walang ID, tinawag ang Social Worker para malaman kung may kapasidad magbayad ang magulang ng pasyente. Dito nakumpirmang kaya ng mga magulang na magbayad at nagboluntaryo na bayaran ang bill sa ospital; Walang nangyaring pagtatalo base sa video ni Cabanisas. Maayos ang lahat. Lumabas sa ospital ang pasyente; Si Cabanisas ay masugid na taga-suporta ng mga Espino. Malinaw na binuo niya ang kwento para siraan ang programa ni Gov. Guico.

   ***

Ipinaliwanag ni Vice Gov. Lambino sa mga mamahayag noon pa na walang humpay ang paghihikayat ng Guico Administration sa mga taga Pangasinan na magpa rehistro sa PhilHealth Konsulta sa pamamagitan ng Guiconsulta.

Ayon sa kanya, pagkatapos na mairehistro ang 900, 000 (mahigit ng 1,000, 000 ani Gov. Guico noong State of the Province Address (SOPA) niya noong ika-5 ng Abril) na mga nasasakupan nila noong Marso, nag secondary sweeping ang pamahalaang panlalawigan para ma irehistro iyong iba pa na nasa kanilang mga kabahayan.

Ani Lambino ginagawa ng Guico Administration ay kina cluster ang mga maliliit na mga barangays sa isang bayan kung saan ang mga residente nakakapunta ay nirerehestro. Solo naman ang registration pag malaki ang barangay.

Sabi ni bise gobernador, iyong hindi nakakuha ng Guiconsulta ay pwedeng pumunta sa 15 provincial hospitals at doon magparehistro. Halimbawa ayon sa kanya: “RHU (rural health unit) or to the provincial hospital, say, Mapandan. Kung Ikaw taga Brgy. Pias ng Mapandan tapos na po ang launching there kaya kung gusto mong makuha ang (benefits) sa PhilHeath, ang Guiconsulta benefits you go to the Mapandan Community Hospital – they can accommodate you there,” paliwanag ni Lambino.

Iyong P300 na binibigay kada tao sa mga bayan, sa 15 provincial hospitals, at sa ibang lugar ay insentibo –  gaya ng mga pamasahe, pagkain, iba pa ng mga tao ayon kay Lambino.

Ang P300 ay naaprubahan ng provincial government sa pamamagitan ng pagpasa ng batas para ang bawat isang Pangasinense ay makakuha ng P1,700 – P2,900 PhilHealth Konsulta.

Ang halagang ito ay sasaklaw sa blood test, x-ray, urinalysis, iba pang pagsusuri, at gamot sa ilalim ng P1,700 – P2,700 ng PhilHealth.

Ngayon, sa mga hindi pa nakaka-alam, iyan ang Guiconsulta taliwas sa mga black propaganda ng kampo ni Espino.

 

No comments:

Post a Comment