Thursday, November 21, 2024

Benchmarking Activity sa U.S ng Capitol, Produktibo!

 

NAGING produktibo ang isinagawang benchmarking activity ng delegasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa Daly City at San Francisco California


.

Sa tulong ng United Pangasinanes of America Incorporated na siyang nagpadala ng imbitasyon, nagkaroon ng benchmarking activity sa Stanford Hospital, Urban Planning Council, San Francisco Police Department at sa water treatment facility ng Daly City.

Naging oprtunidad din ito para personal na makausap ng delegasyon sa pangunguna ni Provincial Administrator Melicio Patague II si Daly City, California Mayor Juslyn Manalo.

Si Mayor Manalo ay ang kauna-unahang Filipina American Mayor ng Daly City. Kilala siyang tagapagsulong ng programa kaugnay sa affordable housing, youth development, community development at kapakanan ng mga Filipino Word War 2 veterans.

Ang isinagawang benchmarking ay inaasahang magbubukas ng oportunidad para magkaroon ng international partnership sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, Daly City at San Francisco para lalong mapabuti ang mga programa sa healthcare, disaster response and management, social services at iba pang aspeto ng pamamahala. (PIO)

No comments:

Post a Comment