Ni Mortz C. Ortigoza
Nakapag type ako ng mga news ko, pumped iron sa mini gym ko, and other tasks dahil sa congressional investigation called Quad Committee that started at 10 AM yesterday and was done at 12: 15 AM this early morning sa House of Representatives sa Quezon City.
Direct witness si retired Col. Royita Garma -- President Rodrigo Duterte's rumored mistress - kasi sa loob ng kotse niya at sa bahay ng alkalde nakausap niya si Digong when the latter told her to look for an Iglesia ni Cristo's top police officer to replicate the reward system of Davao City against the killings of narcotics peddling suspects to be implemented in the entire country while Duterte waited to assume his presidency that May of 2016.
Ni rekomenda ni Garma si Col. Edilberto Leonardo Kay Duterte dahil dating boss niya sa Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) noong na assign sila dati sa Davao City. Pareho rin silang dalawa na alumni ng Philippines National Police Academy (PNPA) kung saan si Leonardo at Garma ay miyembro ng classes of 1996 at 1997.
Noong kumakain sa isang restaurant sa Davao City si dating Mayor Duterte at si columnist Mon Tulfo na dating taga Davao, tanong sa Cebuano o Bisaya ng huli kay Digong noong makita na pumunta ng c.r si Garma: "Bay, nganong kana mana ang imong uyab ngil-ad man kaayo? ( Kaibigan, bakit ganoon ang mukha ng girlfriend mo sobrang pangit naman ?)".
Tumawa lang si Mayor - nakilala sa mga magagandang dilag na na link sa kanya. Aniya, nabighani siya kay Royina G. - na mukhang matrona - dahil isang PNPyer na unang naka assign sa Davao at naka uniporme.
Sabi ni Garma sa mga congressmen na wala daw siyang relasyon kay Mayor pero nanliligaw daw sa kanya.
Lumayo na ako sa isyu, haha! Kasalan ni Mon Tulfo ito. Balik tayo sa Quad Committee.
Then may bank trails sa mga rewards deposited by Peter Parungo sa Metro Bank, BDO, at PS Bank kay Col. Leonardo - the anointed overseer of the reward system to cops all over the country who kill drug suspects.
Dapat mabusisi ito ng Anti Money Laundering (AMLA) body ayon sa mga solon to collaborate Garma's narration.
May participation din si Bong Go - the then errand boy of Duterte - as the middleman to the president when the police need more funds.
Tinuro rin ni Garma si Leonardo at Davao Penal Colony Bureau of Corrections Chief Col. Gerardo Padilla noong pinapatay din nila ang mga opisyales ng BuCor dahil may kuneksyon sila sa iligal na droga. Iba rin yung kinakasangkutan ni Garma at Leonardo noong pinapatay nila iyong tatlong Chinese Drug Lords sa BuCor.
Sinabi rin ni Garma sa mga congressmen ang pangalan ng isang police Lieutenant Colonel ngayon na kasali sa sniper fire assassination noon ni Mayor Antonio Halili ng Tanauan, Batangas habang nasa flag ceremony siya. Nasali sa narco list ni Duterte si Halili.
No comments:
Post a Comment