Wednesday, September 4, 2024

Perang Ninakaw ng Pulitiko Ibinabalik nila sa mga Tao

 Ni Mortz C. Ortigoza

Nabanggit ko sa isang blog ko ang kabalintunaan sa karerang pulitika na kung saan ang kandidato sa pagka-alkalde ay mamimili ng boto sa mga botante na hihigit sa P50 million sa 51, 584 katao tapos mahigit kumulang P100, 000 sa isang buwan lang ang sueldo niya o P3.9 milyon kada tatlong taon o isang term kasali ang 13th month pay diyan ang matatanggap niya sa gobyerno.

Photo is internet grabbed.


Masyadong malaki ang gastos kaysa sa sahod niya.

Ani ng beteranong dating alkalde na nakahuntahan ko na mabait daw ang Diyos dahil kung ano ang kinurakot ng pulitiko noong sa puwesto pa siya ibabalik niya rin iyon at higit pa doon sa mga mga ninakaw niya sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng vote buying.

Kasi ang sistema kasi ng pulitiko iyang pera mo na naiipon mo actually marunong ang Dios, iyong nakukurakot mo during your mayorship ibabalik mo sa eleksyon kulang pa!” paliwanag niya sa writer na ito kung paano natatalo ang ibang mga reelectionist na mga alkalde dahil sa kakulangan ng pondo sa vote buying.

Nalulubog pa daw sila sa utang dahil kailangan nilang higitan ang pamumudmod ng pera ng karibal para hindi sila matalo sa karera.

Aniya iba talaga pag ang nakaupong magnanakaw na pulitiko ay may sariling negosyo dahil kung ang pinagmulan ng salapi niya ay ang mga kupit sa proyekto ng munisipyo at bahagi niya sa mga sugal baka kapusin siya pag ang nakalaban niya ay may mas maraming pera kaysa kanya.

Dahil sa kakulangan ng pondo, gumagamit ang ibang kandidato ng pananakot sa mayaman nilang katunggali at kanilang mga taga suporta.

Iyong mga naghahamon o challenger, kayang takutin ng mga hired killers at goons nila ang nanunungkulan kung saan papaslangin nila ang mga taga suporta nila gaya ng Kapitan sa isang barangay na naging dahilan sa pagkatakot ng nakaupong opisyal at mga taga suporta niyang pumasok sa baluarte ng kalaban.


MGA NAGHIHIRAP NA MGA PULITIKO

Binanggit niya iyong mga dating pulitiko na naghihirap na ngayon o wala ng kapasidad na tumakbo sa pagka alkalde dahil nasimot ang yaman at mga ari-ariaan nila noong namimili pa sila ng boto.

Naisulat ko rin dati sa blog ko na may pamagat Bankruptcy of this Political Family (April 27, 2024)” kung paano na bangkarota sa dalawang eleksyon ang dating alkalde at pamilya niya sa Pangasinan. Ito ang bahagi ng blog at news column ko:

 Halimbawa nito ay isang Meyor at ang tatay niya na umutang ng tens of millions of pesos para lang manalo sa 2019 mayorship election. Nagagalit ang mga inutangan nila kasi noong natalo sila sa karerang alkalde noong 2022 lalong hindi na nila mababayaran ang mga inutang nila noong 2019 kung saan ginamit nila ang pera pambili ng mga boto. Noong natalo ang gobernador nila nawalan na sila ng mapagkitaan sa construction business nila sa provincial government. Lalo itong nagpalala sa kapasidad nila na bayaran ang mga inutang nila.

“Lumala ang estado nila dahil ang mga sasakyan nila kung hindi naibenta ay hinatak sa bahay nila ng mga car dealers.

“Sinusumpa ng mag ama na hindi na sila papasok sa pulitika kahit sa pagiging Kapitan ng barangay dahil sa madilim pa sa alkitran ng mga yero at sa aspalto ng DPWH na kinabukasan sa pulitika na nag aabang sa kanila”.

ANG TANONG

O, ano sa tingin ninyo mga dear readers balik tayo doon sa dating Alkalde na na ininterbyu ko: Tama ba siya na may paraan din ang Dios kung paano ibalik sa mga tao sa pamamagitan ng vote buying – at sobra pa – ang mga ninakaw nila Meyor sa kaban ng bayan noong nasa katungkulan pa sila?

No comments:

Post a Comment