Ni Mortz C. Ortigoza
BINMALEY, Pangasinan – Sinabi ng Alkalde dito na inendorso siya ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III sa mayoralty election sa susunod na taon.
BINMALEY Mayor Pete Merrera (left photo), Pangasinan Governor Ramon V. Guico III and Pangasinan 2nd District Cong. Mark Cojuangco (from top to bottom right photo). |
“The Governor is now endorsing
Mayor Merrera for the mayoral election next year,” buong pagmamamalaking sinabi ni Mayor Pete
Merrera noong makapanayam siya noong Huwebes ng Northern Watch Newspaper.
Ipinaliwanag ng Punong Tagapagpaganap na “nasa process of observation“ pa sila ng mga tagasuporta niya kung sino ang karapatdapat na magiging Bise Alkalde niya para sa Mayo 12, 2025 Election matapos tanggihan ni dating Vice Mayor Edgar Mamenta na magkasama sila sa halalan.
Binmaley former Mayor Sam Rosario (left) and former Vice Mayor Edgar Mamenta. |
Ayon sa isang source, gusto ni Governor Guico na si Maminta – na kanyang
kasama noong 2022 Election - ang ka-tandem ni Merrera subalit pinili ng una si
dating Mayor Sam Rosario na makakapit-bisig niya sa labanan sa susunod na taon.
“My partner, my friend Edgar "ITAKTAK MO!" Mamenta... We took a picture together in the middle of the burning sun. Just like the sun, our hearts together are burning to serve the people of Binmaley. Kaya siguro naka- victory sign si Edgar. Then so be it harangan man ng sibat,” post ni Rosario sa kanyang Facebook Page noong Huwebes nang malaman niyang pinili siya ni Mamenta kaysa kay Merrera.
Pangasinan 2nd District Rep. Mark O. Cojuangco (left) and Binmaley Mayor Pete Merrera flash the victory sign on September 11 at an occassion in Batac, Ilocos Norte. (Leon Castro, Office of the Mayor) |
Si Rosario ang pinaka beteranong pulitiko sa mga personalidad dito
matapos niyang pag serbisyuhan ang bayan na ito ng mahigit labinlimang taon bilang alkalde.
May balak din umanong tumakbo sa ikalawang pinakamataas na elektibong
opisyal sina dating alkalde Rolando Domalanta at Sangguniang Bayan member Aning
Alipio.
Ani ng isang source na nagapapatawag sa pangalang I.K.S, nagkita sina Guico, Mayor Merrera, at kapatid ng huli na si Liga ng Barangay President Butch Merrera noong Agosto 6 sa isang hotel sa Manila para pagusapan nila ang alyansa.
“Unang dumating si Guv sumunod
si Mayor Pete saka si ABC Butch. Silang tatlo lang ang nag-usap. After ng
usapan doon four days pinatawag ako ni Guv. “Ayusin ninyo na iyong Binmaley.
Ngayon sino ang isasama mo?”
quoteng source sa sinabi sa kanya ng gobernador sa Urduja House.
Dagdag pa ni I.K.S na tatlo sa mambabatas dito ang sumumpa kamakailan kay
Guico sa pagiging bagong miyembro ng Nationalista Party – ang partido ng
gobernador.
“Sinama ko si Mito (Sison), Si
Banong (Delos Angeles), tatay ni Jayjay Carrera – si Doc-, andoon din si Jayjay
dahil representative (hindi marinig)”.
Ani Mayor Merrera na noong Miyerkules nagkita sila ni Pangasinan 2nd
District Rep. Mark Cojuangco sa pagdiriwang ng kaarawan ng namayapang ama ni
Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Batac, Ilocos Norte kung saan nagkumento
si Cojuangco sa kay Merrera at Aguilar Mayor Kristal Ballesteros-Soriano na ang
huli ang manok niya sa darating na halalan sa pagka alkalde.
“Mabuti pa si Mayora inendorso ninyo siya samantalang ako neutral kayo sa Binmaley,” ani Merrera kay Cojuangco.
Pangasinan Governor Ramon V. Guico III (2nd from left) and Mayor Pete Merrera (far right) in a huddle at a hotel in Metro Manila last August 6. (Leon Castro, Office of the Mayor) |
Bilang tugon, niyaya siya ng Congressman na magpalitrato habang
pinapakita ang victory sign sa kanilang mga kamay para ipakita sa publiko na
magka-alyansa na sila.
Sinabi ni Cojuangco sa mga reporters noong nag fellowship meeting ang
Alyansang Aguila sa Urduja House noong Agosto 17 na neutral siya sa labanang
Merrera versus Rosario dito sa coastal first class town na ito.
No comments:
Post a Comment