Monday, September 9, 2024

Bakit Sobrang Takot ni Quiboloy na Ipatapon sa U.S?

 

NI MORTZ C. ORTIGOZA

Tumagal ng 16 araw ang pagtatago ni billionaire-pastor Apollo Quiboloy sa mga awtoridad dahil sa pagkatakot niya na hulihin siya hindi ng gobyerno ng Pilipinas kundi ng America.

Quiboloy – na nagmamay-ari kuno ng mundo at Anak ng Diyos – ay may tapang pa na magpataw ng mga kundisyunis kay President Ferdinand Marcos, Jr. na huwag siyang i- extradite sa America kung saan siya ay naka-demanda ng fraud, coercion, sex trafficking ng mga minor de edad, at bulk cash smuggling.

DREAD THE U.S JAIL. Doom's day pastor (from left and clockwise) Apollo Quiboloy, Mexican Drug King Joaquín “El Chapo” Archivaldo Guzmán, and Medellin Drug Cartel Baron Pablo Escobar.


Nagkakalat ang mga posters ni Quiboloy sa America na “among the most wanted criminals by the US Federal Bureau of Investigation”.

Ang mga kaso ni Pastor dito sa Pilipinas ay ang non-bailable qualified human trafficking at sexual abuse sa bata.

Ayon sa U.S District Court, noong 2021 inakusahan sa Federal Grand Jury sa America si Quiboloy at dalawang mataas na opisyal ng Kingdom of Jesus Christ Church (KJCC) sa pakikipag-sabwatan sa sex trafficking kong saan ang mga batang babae ay puwersahang nakipagtalik kay Quiboloy sa ilalim ng pagbabanta ng “eternal damnation” sa kanila.

Bukod sa “night duty”, ang mga babaeng ito ay nagsilbi sa tahanan ng Poon sa pagluluto at paglilinis.

Hanggang sa pagsuko ni Quiboloy noong Linggo sa Army sa lungga niya sa Davao City (o sa lungga niya sa probinsya kong North Cotabato), andoon pa rin ang pangamba na ipapatapon siya sa America ng gobyerno ng Pilipinas kahit na sinabi na ni President Marcos na priority ang mga kaso niya ditong litisin.

Takot ang self-declared na Poon na makulong siya sa no-nonsense na piitan ng Estados Unidos. Alam niya na hindi masusuhulan ang mga awtoridad doon hindi gaya sa Pilipinas, Colombia, at Mexico na mga gutom pa sa buaya ang mga opisyales.

Kahit sila Drug Cartel Kings Joaquín “El Chapo” Archivaldo Guzmán ng Mexico at Pablo Escobar ng Colombia ay walang awang pumapaslang sa pamamagitan ng mga sindikato nila na mga opisyales ng gobyerno at mga witnesses para huwag lang sila maitapon sa American jails.

EL CHAPO GUZMAN

Noong tumakas si El Chapo sa kanyang kulungan sa Altiplano, Mexico noong 2015, gumastos siya ng US$50 million (halos Phil P3 billion) na suhol sa mga prison officials dahil ang piitian niya ay merong mga sensors at cameras para mababantayan kung huhukay ang mga galamay niya ng tunnel – ala Quiboloy – para makatakas siya uli.

Hindi magagawa iyan ng Sinaloa Cartel Boss kung nakakulong siya sa Estados Unidos.

Noong nililitis ang extradition ni El Chapo sa U.S ni Mexico Federal Judge Vicente Antonio Bermudez Zacarias, ang huli ay walang awang pinagbabaril noong October 17, 2016 habang siya ay nagdya-jogging.

Noong January 17, 2017, si Guzmán ay ipinatapon sa America. Siya ay na nasentensiyahan noong July 17, 2019 at kasalukuyang humihimas siya ng rehas na stainless (sa Pinas puro kalawang ang rehas dahil sub- standard) sa ADX Florence Maximum Prison – pinaka mahigpit na kulungan sa U.S - para mabuo niya ang 30 taon na sentensiya. Ni-forfeit din ng Amerika ang mahigit $12.6 billion (mahigit PhpP711 billion) na pera at ari-arian niya.

PABLO ESCOBAR

Ani Drug Baron Escobar, "better a grave in Colombia than a cell in the United States". Nasambit niya ito dahil mahirap suhulan ang mga Amerkano at madilim pa sa alkitran at sa aspalto ng kurap na DPWH ang pagtakas doon.

Si Escobar ay pinuno ng Medellin Drug Cartel kung saan mayorya ng mga narcotics na pumapasok sa America ay galing sa kanya noong 1980’s at early 1990’s. Ang kayamanan niya ay nagkakahalaga ng $30 billion (PhpP1.7 Trillion) noong pumapayagpag pa siya sa kapangyarihan. Dahil nilalason niya ang mga kalusugan ng mga Amerikano, naging top target siya ng Washington.

Noong nakapiit si Escobar sa Puente Grande Federal Prison noong 1993 hanggang 2001, naipapasok niya ang kanyang pamilya sa loob para magbakasyon, nagpaparty ng engrande sa mga kebegan at sinisilbihan ng mga nagagandahang mga presong babae.

Para hindi lang siya maipatapon sa America, pinagpapatay ng mga galamay ng Medellin Drug King ang mga huwes, ministro, mga police, si Colombian presidential candidate Luis Carlos Galan – ang paboritong mananalo noong 1990 eleksyon, ang 12 na Supreme Court justices na namatay sa pagbubomba sa pamamagitan ng sinuhulang left-wing guerrillas M-19, pagsabog sa ere ng Avianca Flight 203 kung saan 107 ang nasawi, at DAS Building’s bombing kung saan ang truck na may dalang bomba ay sumabog at ikinamatay ng 57 katao. Lahat ng malagim na sinapit ng mga taong nasambit ko ay dahil sa kagustuhan ni Escobar na huwag siyang ipatapon sa U.S prison.

ANO ANG GAGAWIN NI QUIBOLOY?

Ano sa tingin niyo ang gagawin ng milyon-milyon kuno na panatiko ni Quiboloy oras na i-pressure ng mayamang bansang America – kung saan nagbibigay ito ng libreng multi- bilyong pesong armas at economics benefits sa Pilipinas – si President Marcos na unahin ang paglilitis sa Anak ng Diyos na si Quiboloy sa korte sa Amerika kesa sa korte ng bansa natin?


 

 


No comments:

Post a Comment