Sa patuloy na pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF-OP),1,492 na benepisyaryo ang nahandugan ng tig-sampung libong pisong pinansyal na tulong ngayong araw, ika-14 ng Agosto sa Ramon J. Guico Sr. Sports Complex and Civic Center sa Binalonan, Pangasinan.
Sila ay mula sa mga bayan ng San
Fabian, Manaoag, Mangaldan, Alcala, Bautista, Binalonan, Laoac, Pozorrubio,
Sto. Tomas, at Villasis.
Matatandaang sa pagbisita ng Pangulo nitong ika-19 ng Hulyo sa lalawigan, siya ay nagkaloob ng tseke na nagkakahalaga ng P48,760.000.00 bilang suporta. sa 4,876 na magsasaka, mangingisda, at kanilang mga pamilya na labis na naapektuhan ng nagdaang El Niño.
Labis na ipinagpasalamat ni
Governor Ramon V. Guico III ang tulong mula sa pangulo.
“Sa mga panahong ito tinatawag po
na gawat o ito ‘yong planting season lahat po tayo hirap sa puhunan ngayon kaya
isa pong malaking tulong ito na ibinigay ng ating Pangulo sa pakikipagtulungan
of course with the Provincial Government of Pangasinan at meron ding bababa
through the initiative of the congressman of fifth district ang aking ama na si
Cong. Monching Guico,” saad niya.
Magsasagawa pa ng distribusyon ng
PAFFF sa mga susunod na araw.
Dumalo din sa programa si Vice
Governor Mark Ronald DG Lambino, BM Jerry Agerico B. Rosario, MD, BM Marinor B.
De Guzman, Rosary Gracia "Chinky" Perez-Tababa, BM Nicholi Jan Louie
Q. Sison, SK Federation President-Pangasinan Chapter Joyce D. Fernandez, Mayor
Ramon Ronald V. Guico, IV, Mayor Kelvin Chan, at Mayor Ricardo Balderas.
Ang distribusyon ay naging
matagumpay dahil sa pakikiisa ng Department of Agriculture (DA), Department of
Social Welfare and Development (DSWD), Provincial Agriculture Office (PAgO) sa
pangunguna ni Provincial Agriculturist Dalisay A. Moya, Provincial Treasurer
Cristy C. Catabay- Ubando katuwang ang ibat-ibang tanggapan ng Kapitolyo gaya
ng Provincial Social Welfare and Development Office( PSWDO) na pinamumunuan ni
Annabel Roque.
Sagot naman ng GUICOSINA ang
masustansiyang lugaw para sa lahat ng mga dumalo. (Marilyn Marcial, Orlan
Llemos|PIMRO)
No comments:
Post a Comment