Ni Mortz C. Ortigoza
Dahil sa nonbailable na kasong Qualified Trafficking na inisampa
laban kay Bamban, Tarlac suspended Mayor Alice Guo ng Presidential
Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), hindi ako magugulat na tuluyang maglaho na
siyang parang bula sa Senate hearing dahil siya ay nakatakas sa pamamagitan ng
Chinese maritime militia ship pauwi ng kanyang tunay na inang bayang sinilangang
China.
Bukod sa kasong heinous na Qualified Trafficking, nahaharap rin si Guo sa mga criminal complaint na Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Administrative Cases gaya ng grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Determinado ang gobyerno na tanggalin sa puwesto si Guo gaya ng Solicitor General na nagsampa na ng Quo Warranto para patunayan na hindi siya mamayan ng Pinas at ni peke lamang niya ang birth certificate niya.
Kahit na mahigpit na mino-monitor ng Inter-Agency Council Against Trafficking sa pamamagitan ng immigration
lookout bulletin order (ILBO), ang suspendidung alkalde dahil sa Ombudsman, ay
kaya niyang takasan ang mga awtoridad sa pagamit sa daungan o karagatan ng
Sual, Pangasinan, Palawan, western Pangasinan gaya ng sa Infanta, at Zambales
Province.
Ang ILBO, siya nga pala, ay ginagamit lamang sa pag monitor at hindi instrumento para pigilan ang pag-alis ng suspect sa bansa natin patungong ibang dako.
Ang alkalde ng Sual ay si Mayor Liseldo “Dong” Calugay na alleged
boyfriend ni Mayora Alice ayon kay Senate Committee on Women, Children, Family
Relations, and Gender Equality Vice Chairman Senator Jinggoy Estrada at
pinangalanan ni lawyer-vlogger Berteni "Toto" Cataluña Causing na
allegedly gumastos ng P1 billion na loan sa Land Bank of the Philippines ng
local government of Sual para ipatayo ang mga buildings ng Pogo sa Bamban.
Totoo ba ito, Mayor Dong?
Inaakusahan rin siya na administrator ng Pogo sa Bamban.
Panoorin niyo ang video sa YouTube ni Toto Causing dito na may pamagat at
link na:
“Copy of Power of Love – Mayor
BF ni Alice Guo, Inutang Bayan ng Sual ng P1-B Ikapital sa Pogo? https://www.youtube.com/watch?v=QkncJEKZL3M
Kayo na dear readers ang humusga pagkatapos niyo mapanood ang mga
pinagsasabi ni Attorney Toto Causing – ang
akon nga kasimanwa sa Mindanao - gaya
sa mga banat niya kay fugitive former Director-General of the Bureau of
Corrections Gerald Q. Bantag na principal suspect sa pagpaslang kay online
vlogger Percy Lapid (real name Percival Carag Mabasa) noong October 3,
2022.
***
Nakitaan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong pagsusuri nila noong June 25 to 27 na ang fingerprints ni Guo ay tumutugma
sa isang Chinese woman na si Guo Hua Ping – iba ito sa Guwapings na pelikula na
pinangungunahan nila Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at John Estrada.
Ang Dactyloscopy Report ng NBI ay nagkumpara sa fingerprints ni Alice sa
kanyang Alien Fingerprint Card na kinuha sa NBI master files dated March 28,
2006 at sa kanyang biometric printout sa NBI Information and Communication
Technology Division noong March 10, 2021.
***
Pagnakulusot si Guo sa Sual at dumiretso sa
Scarborough Shoal (mga 18 oras na paglalakbay sa sasakyang pandagat), o mas malayong Kalayaan o sa Spratly, nalusutan na niya
ang Philippines government na may reputasyon sa kawalan ng kakayahan
sa pagbabantay sa mga high level criminal suspects gaya ni Negros Oriental former Congressman Arnie
Teves. Pag dating sa mga lugar na iyon sasampa lang si Guo sa isa sa mga di
mabilang na Chinese maritime militia ships at mga barkong pandagat ng China at
magsalitang Intsik – yari na tayo dahil nawala na ang isang high level na
dorobo at alleged spy ng Beijing.
No comments:
Post a Comment