Saturday, May 8, 2021

Sgt. sa Maguindanao - Siege Na Ulo ng Sniper na Moro

By Mortz C. Ortigoza

Noong sumama ang buong pamilya sa Cotabato noong early 1970s sa reassignment ng military kong ama galing sa quarter o bahay namin sa Philippine Military Academy sa Baguio City kung saan ako at dalawa kong nakakabatang kapatid ay pinanganak, ordinaryo na makakakita ako nga mga troop movement lulan sa mga humahangos na APC o Armored Personnel Carrier, tanque de guerra, six-by-six trucks kung minsan may dalawa pang Huey helicopters sa ere na kasama habang dumadaan sila sa bayan ko sa M’lang North Cotabato.

SNIPER'S HEAD SHOT. Si Army Sergeant Ronilo Mayo (may red arrow sa itaas) ng 92nd Infantry Battalion matapos siyang tamaan ng baril ng Moro sniper sa Datu Unsay, Maguindanao noong May 6, 2021. Siya ay namatay rin kalaunan. Dalawa pa sa mga kasama niya dito ay may mga tama rin ng bala ng kalaban.


Ang hinde ko makalimutan noong na bulabog ang protestant college ran by Americans kung saan ako ay nasa Grade 5 noong 1978 ng may dumadagundong na dalawang higanteng combat helicopters at nag landing kasama ang ama kung Air Force sa gitna mismo ng paaralan namin. Ang puwersa ng gobyerno ay nandoon para kunin ang apat na wounded na Army men na biktima ng ambush ng mga rebeldeng miyembro ng Moro National Liberation Front sa pamumuno ng dating University of the Philippines’ Political Science Professor at Tausog na si Nur Missuari.

Isang mandirigmang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ng radical Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) habang inaasinta niya ang M-60 light machine gun sa mga tropa ng gobyernong Pilipinas. 


Sa daming “bakwit (Ilonggo and Cebuano’s term for evacuees), 105 Howitzers na  nakakabingi, mga patay na sundalo sa mga funeraria namin doon, tatay ko na humahangos para kunin ang dalawang granada para salubungin at pagbabatuhin niya ng Vietnam vintage apple grenades ang mga rebeldeng pumasok kuno sa bayan namin (click story here), at iba pang nakakasindak na mukha ng giyera, ngayon ko lang nakita ang isang nakakarimarim at madugo na pangyayari habang nagbabakbakan ang tropa ng Army kontra sa grupo ni Ustadz Sulaiman Tudon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan noong pasukin ng isandaan (sabi ng iba biente) miyembro ng teroristang BIFF (na ka alyansa ng radical na ISIS o Islamic State of Iraq and Syria) ang bayan ng Muslim dominated Datu Paglas – ikatatlong bayan mula sa aking Christian dominated M’lang.

Student ko pala sa University of Perpetual Help sa Las Pinas City noong early 2000 ang anak ni dating Paglas Mayor Datu Ibrahim “Toto” Pendatun Paglas III.

Sa video na pinadala ni Rene Clar – school mate ko na marunong mag Muslim Maguindanaon - na napadaan kahapon ng umaga sa Datu Paglas doon ko nakita ang ibang parte kung paano magpapalitan ng putok ng baril ng limang oras ang dalawang panig.



Itong bakbakan sa Datu Paglas na kinakasangkutan ng 100 BIFF rebels ay parte ng military operation against terrorists sa SPMS (Shariff Aguak, Pagatin, Mamasapano and Shariff Saydona) Box .

Sa isang video na pinadala kanina ni Clar, doon ko nakita paano inililigtas ng sundalo ang isang Sergeant Ronilo Mayo ng 92nd Infantry Battalion na hila hila ang likod ng damit niya sa bahaging kuelyo sa maputik na daanan sa gitna na mataas na kalsada at sakahan sa Datu Unsay, Maguindanao noong May 6, 2021, Kahit naka Kevlar Helmet si Mayo pumasok pa rin ang bala ng sniper sa ulo niya. 

Sir may sniper may sniper! Ingat kayo diyan sa kanan!” isang opisyal ang sumisigaw sa cellphone kausap ang isang nakakataas na opisyal.

Kasama nitong opisyal na nagsisigaw ang 20 to 30 heavily armed soldiers na nakadapa at nakakubli sa mataas na bahagi ng gilid ng kalsada. Sila ay naka Kevlar helmets, bullet vests, M-16 assault rifles iyong iba naka dikit sa armas ang grenade launcher na tawag namin noon M-2-0-3 (yap hinde 203 o two hundred three hihihi) camouflage uniforms, brown boots (bakit brown na? Noong bata ako puro black boots leather pa!).

Gamitan natin ng mortar ang kalaban,” sigaw ng isang sundalo sa video.




Sa text ni Rene C. kahapon sa Messenger, nagsimula ang bakbakan mula alas singko ng umaga noong okupahin ng mga BIFF ang palengke ng Paglas hanggang alas diyes ng natuldukan noong nagpadala ng mga helicopters ang gobyerno.

Si Clar ay kababayan ko sa Mlang kung saan noong 1997 ang kuya niyang si Fred Clar, driver ng Mindanao Transportation Corporation (Mintranco), kasama ang dalawang lalaki na kabayan ko ay binaril at pinatay ng mga robbers na MILF sa Barangay Tibao, M’lang. Ang kaklase kong si Teodoro Nacar ay nabuhay kahit na binaril ang kanyang spinal cord ng holdupper na Moro noong middle of 1980s sa kalapit na barangay sa Tibao. Katabi kasi ng mga villages na ito ang kagubatan ng Liguasan Marsh.

Bumalik kami hinde kami pinapasok sa Paglas,’ sabi ng kababayan kong si Long kasama ang kanyang mister na gamit nila ang motorsiklo galing sa General Santos City.




Parang Mamasapano Massacre na gawa ng diyablong Ampatuan Family ang national highway ng Datu Paglas, madaming hinde nakadaan kaya kilometro ang pila ng mga sasakyan mula sa dalawang bahagi ng bayan na iyong isa galing sa Christian dominated Tulunan at bayan kong M’lang.

Pati ang Barangay Chairman ng Dugong, M’lang Cotabato na si Noah Zabel, isang Brigade Commander na may ranggong Heneral ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)ay nag post sa Facebook: Sa lahat ng barangay officials, BPAT (Barangay Peacekeeping Action Team), and purok presidents of Barangay Dugong, Please paki open ninyo lagi ang mga cellphone ninyo para sa emergency text at tawag.

Ang Dugong, kung saan nag migrate from Bingawan, Iloilo Province ang lolo at lola ko kasama ang nanay ko at mga kapatid niya noong 1930s, ay katabi lang ng Liguasan Marsh at mga bayan ng Kalbugan at SK Pendatun sa Maguindanao kung saan puwedeng umatras ang mga rebeldeng BIFF sa sporadic na bakbakan sa SPMS Box.

Noong middle of 1970s nakikita ko pa kung paano bino-bomba ng dalawang T-28 Trojan combat propeller planes na tawag namin noon na Tora-Tora ang area ng ng Liguasan kung saan diyan sa kagubatan na namumugad ang mga Moro Rebel gamit ang mga armas gaya ng FAL or Fusil Automatique LΓ©ger assault rifles na bigay ni Libyan Strongman Muammar Gaddafi.

Diyan din natanggal ang isang matapang na Ilonggo Army Colonel na kanyonero dahil nagalit ang Ilocano Strongman na si Apo Saluyot ng Ilokoslovakia Ferdinand Marcos. Column at blog ko sa Colonel na naging Army Chief Major General Rodolfo A. Canieso noong napatalsik si Apo Makoy sa trono:

Totoo ba sir na iyong mga (Army) draftee, still wet behind their ears, sa Liguasan Marsh kinankanyon ni Canieso sa likuran nila kasi tatakbo sila from the MNLF who were armed with Belgium made FAL given by Libya President Gaddafi? At ang sabi pa ni Canieso to his worried commanders dahil andaming patay sa Army na huwag ma-mrublema kasi marami pang Ilocano sa Luzon na puwedeng hakutin sa eroplano para ilaban sa Moro?,” I posed to former Police Three -Star General Leopoldo Bataoil (PMA Class 1976), a Pangasinan Congressman while we, including Generals from the Army, Police, and Navy, were waiting for the arrival of President Rodrigo Duterte in the Sual Wharf in one of the five latest Bell Helicopters.

Batoil , who became my boss at Tactics in PMA in the late 1980s, told me his version: He said that battle ensued in Jolo. President Ferdinand Marcos called probably via radio Canieso and asked why a lot of casualties on the side of the government.



He told the president that the huge death happened too at the side of the rebels. Normal lang daw sa giyera iyong casualties. He said: “Mr. President do not worry about the casualties on our side. We can still bring a lot of Ilocanos from Luzon to fight the rebels to the end” the solon stressed.

Kinabukasan relieved na si General Canieso in his post,” Bataoil amusedly told me.

When Cory Aquino became president after Marcos was toppled in 1986, Aquino appointed Canieso as the 28th Commanding General of the Army of the New Armed Forces of the Philippines.

Lininti-an gid!” I mumbled in our vernacular.

(Excerpt from my blog’s PMYers’ Feats While We Wait for Commander-in-Chief)


Pero sa video na pinadala ni Rene Clar ako ay namangha at kinalibutan – kahit madami na akong videos na mas masahol pa dito na nakita ko sa Iraq o Afghanistan Wars – siguro dahil ang bakbakan ay malapit lang sa bayan ng aking mga mahihina at matatandang Ama at Ina.

READ MY OTHER BLOG/COLUMN:

Why snipers are glorified, glamorized?


(You can read my selected columns at http://mortzortigoza.blogspot.com and articles at Pangasinan News Aro. You can send comments too at totomortzmarcelo@gmail.com)

1 comment:


  1. COMMENTS BY READERS OF THIS BLOG CULLED FROM SOCIAL MEDIA:
    Red Duran
    Ganon ba combat style nag umpokan sila eh one side to the eye lng sa mga kalaban yan
    · Reply · 1h
    Red Macalipsay
    Red Duran anu akala mu PUBG o COD lng? Kung yan lang ang lugar na pwede nila pag taguan ehh kahit mag siksikan pa sila dyan,
    Alvin Bernas
    Ket anong helmet pa talaga .. Pag armour penetrating ang gamit na sniper wala pa swertehan na talagaπŸ˜”.... Salute po sa lahat ng bayani ng bayani❤️πŸ–️
    Rudolph Anonas
    Alam ko marami tayong mga sniper na sundalo, sana mas dumami pa. Para marami sa kalabang rebeldeng terorista ang mapatay at maubos na yan ng tumahimik na ang bayan dyan sa mindanao. Grabe na ang tinatagal ng mga teroristang rebelde bata pa ako ganyan na kagulo dyan sa mindanao lalo na sa cotobato tumanda na ako at nag ka apo na yan parin ang mga nangyayari. Sana naman ay tapusin at ubusin na yan mga salot na terorista.

    Issa Ma
    Keblar panahon ni pinoy binili iyan.
    · Reply · 1h
    Jayson Tucker
    Yong Gusto mkipag Gyera sa China kayo ang mkipag Sagupaan sa BIFF.. ATTENTION mga ISTUPIDONG SENADOR isama nyo si CARPIO at Del Rosario...
    · Reply · 10m
    Jonathan Lariza
    Nasaan ang drones? Bumili din sn ang afp/dnd ng mga miniature drones pr may magamit n "eye in the sky" s tuwing may enkwentro s mga terorista...at sn maialok ng auatralia ang mga m1a1 abrams mbt nila n knila ng balak palitan...we need a strong armored brigade
    · Reply · 12m
    Danilo Obado
    Sana marami din snipers ang tropa.. hindi yung sila lang tago sa mga snipers
    · Reply · 28m
    Henry Matthew

    Dapat reinforced steel kasi bahala na mabigat basta wag basta mka penetrate ung bala na copper at ting-ga. Pero pag. .50bmg caliber no chance parin lalo na sa mga steel armored piercing bullets
    · Reply · 1h · Edited
    Jhune Tabigue
    Na saan ba ang agusta helicopter na pwedi magamit ang thermal.pagkakataon na sana yun na maubos ang putang inang biff na yan..RIP sir mayo
    · Reply · 1h
    Bro Ped
    napaka lakas ng sniper tumagos sa helmet

    Rodney C. Maylas
    Sa mga nagsasabi na Bulok ang helmet ang helmet po ay designed lang talaga para ma pigilan ang shrapnels, or if possible small caliber lang from a distance.
    Kung I compare mo sa kevlar vest Kita Naman kung gaano kakapal ang ceramic plating nun. Compare mo sa helmet.
    Kung may bullet proof helmet man d pa yata ganon ka exclusive yun sa market

    Naul Reynaldo
    Rest in peace sir!

    Winston Pati
    RIP Sir
    Jose Noel Villaescusa Camaongay
    RIP πŸ™❤️

    Johnmark Lopez
    Kumusta po ung lagay ni sir wala po ba update

    Johnmark Lopez RIP na po cia

    Roger Carion
    Nasa isulan na sya c Sgt.mayo.
    Mortz C. Ortigoza
    SNIPER'S HEAD SHOT. Si Army Sergeant Ronilo Mayo (may red arrow sa itaas) ng 92nd Infantry Battalion matapos siyang tamaan ng baril ng Moro sniper sa Datu Unsay, Maguindanao noong May 6, 2021. Siya ay namatay rin kalaunan. Dalawa pa sa mga kasama niya dito ay may mga tama rin ng bala ng kalaban

    Johnmark Lopez:Paranga grabe tumagos pa ung bala ng sniper sa helmet πŸ˜“πŸ˜“πŸ˜“πŸ˜“πŸ˜“

    Norberto Jr Paranga
    Direct hit kasi...mataas na caliber...walang helmet na safe pag ganyan

    ReplyDelete