Sulat ni Kitz Basila
KULONG na si Senator Leila Delima, bwelta karma sigaw ng mga inapi daw niya noon. Inapura na pag-aresto ayon sa mga kakampi. Ewan nga ba, si Aguirre ba o Delima ang sinusubaybayan ng madlang tuliro sa show ni Duterte.
WALEY na ang $1 billion more 2nd coal-fired plant sa bayan ng Sual. Wagi ang grupong Save what? Lugi bigla ang many opportunities na tiyak daw ay dala ng PHINMA electric-plant, na tulad sa sure-employment of many, increase in local revenues, tiyak na pagsigla ng ekonomiya, cheaper electricity charges para sa Sual households, contributions to social-funds for scholarship program at health and wellness, greater heights for the Port City to be in the North at marami pang pakinabang at makikinabang.
LALARGA na ang P50,000 cash-prize for the Miss Hundred Island 2017 plus fabulous-prizes pa na ‘may I’ ng mga organizers nireng beauty and brain pageant ng AlamCity, sa helm ni Dayuhan, este, Mayor ARTH Celeste – father of genuine transformation ng lunsod na natulog ng mahimbing sa siyam na taon (noon).
SAIL like the Paraw naman sa excitement ang mga nakalinyang activities of fun-galore sa selebrasyon ng fiesta of the saint-patron Joseph the Carpenter at making of a city sa bayang nagmamadali noon few-years ago.
AYAW daw ni BongBong M. ang maging secretary ng DILG, ayon sa ulat at balita, well, he deserve to be the Vice President of the Republic, ayon sa mga loyalist ng kanyang pamilya.
WATCH ka bigla sa beach volleyball na maaring one of the many attractions of the 2017 Bolinao’s town fiesta. Sa bayside ng El Pescador Hotel ang inaasinta na paggaganapan ng naturang palabas. In progress pa rin ang pagpapaganda sa man-made white-sand beach na obra ni Congressman Salvador Jesus del Fierro Celeste para sa El Pescador.
WHO said Trillanes, dapat na next? Next of what? Abay! mistulang barker daw ang tanong sa crowd nireng naka-wig na Secretary of Justice na si Atty. Vitaliano Aguirre, sa gathering kamakailan ng Duterte die-hard supporters sa Luneta Park, Manila.
DUWAG! Panlalait na sigaw ni Jim Paredes, ang singer na sikat noon sa ilang dekada na ang lumipas. Tila, nagpapalutang sa kasikatan ang anak daw ng nanay niya na inabswelto noon ni Pangulong Cory sa salang pagsali sa Light-a-Fire movement na naghasik noon ng kaguluhan during the Marcos regime. Ayon, may pin of appreciation tuloy ang mga bubuwit na tinakot ni lolo Jim, naman!
SOCIAL media taliwas sa tama kapag pinatulan na totoo ang mga nababasa. Sabi nga, lipana ang fake-news kaysa sa true. Kasi nga, sa profile na lang ay peke na, kaya pati contents ay kaduda-duda. O pusta ka man, sandamakmak ang name-merry-go-round sa kanilang nakikita at nababasa. Susme, Cosme, read me, if you believe me, Excuse Me! Yona na!
SUKI read mo ba itong mixed-nuts ni Akong, abay! ang magre-act ay karapatan, pero, ang manlait ay panlalamang o mas matindi ay naiingit lang! O meron ka bang ganitong wigo of writing, abay! cottage-industry ko eto, waley ka ingitero! Tsupi!
TILL next weeks to come, enjoy reading while ponding. Ang waley knowing tiyak nganga to the max, Gungunam!
No comments:
Post a Comment