Sulat ni Kitz Basila
NAGTAGUMPAY muli ang mga lokal na pamahalaan sa pagdaraos ng taunang Kasalan ng Bayan. Ang okasyon na halos itinaon sa selebrasyon ng Araw ng Puso o mas tinatawag sa ngayon na Feb-ibig month.
NAIPAGKALOOB sa mga magsing-irog na naghihikahos sa buhay at matagal nang nagsasama ang kahalagahan ng ikasal, na halos libre lahat ang gastusin na bigay biyaya ng pamahalaan at ilan pang nagmagandang-loob na indibidwal at mangangalakal.
NAIPAMALAS ng Libreng Kasalan ng Bayan ang pagpapahalaga ng pagbuo ng pamilya na taglay ang lehitimo na ayon sa panuntunan ng mga batas at moralidad na dapat.
NARARAPAT na bigyang pugay ang mga nagsulong at mga tumulong para ang Kasalan ng Bayan na kaloob ng taunang selebrasyon ng Local Civil Registration Month ay magsilbing mahalagang bahagi nito. Maliban sa ipinagkaloob na iba’t-ibang serbisyo na pawang-libre na tulad sa pagtatala sa iba’t-ibang mahahalagang yugto sa buhay ng tao.
NAGWAGI ang sambayanan sa tagumpay muli ng Kasalang Bayan, na libreng naipagkaloob para ipamalas sa lahat na nararapat pahalagahan ang paging lehitimo na ayon sa iral ng batas at taglay ang moralidad na dapat.
NAGING kabahagi ka ba sa yugto na ito sa kabanata ng buhay ng mga ikinasal? Nawa ay naunawaan ang nais na ipinahiwatig.
No comments:
Post a Comment