Monday, February 27, 2017

Cayetano, Oplan Tokhang, ibalik



 "Ako’y nakikiusap sa ating Pangulo at sa PNP na i-relaunch ninyo ang inyong anti-drug drive."

Ito ang panawagang ginawa ni Senador Alan Peter Cayetano sa administrasyon nang magsalita siya sa pagtitipon ng mga pro-Duterte supporters sa Quirino grandstand nitong Sabado (Feb. 25).Image result for senator cayetano drugs

Sabi ng senador, kapag ibinalik ang "war on drugs" ay nais umano niya itong tawaging "people's war on drugs."

“Simula sa araw na ito February 25, araw ng rebolusyon at pagbabago, hindi na ito Duterte’s war on drugs, it will be the people’s war on drugs dahil po kasama tayo sa paglaban sa droga,” ayon kay Cayetano.

Sinabi niya ito sa araw ng ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. 


Ayon kay Cayetano, 60 porsyento ng problema ng bansa laban sa krimen ay may kinalaman sa iligal na droga. Kaya hinimok niya ang Pangulo na ituloy ang sinimulan nitong pagbabago.

Noong suspendihin ang giyera sa droga, nagbalikan na naman umano sa lansangan ang mga durugista, ayon sa senador.

"Kapag bumalik ang mga pusher, kasunod na niyan ang patayan ng inosente. Kasama na diyan ang rape, ang nakawan," pagpapatuloy niya.

Muli namang ipinagmalaki ni Cayetano ang mga pagbabagong nangyari sa ilalim ng administrasyong Duterte, lalo na ang panunumbalik ng tiwala ng tao sa pulisya. 

"Marami pang kailangang gawin. Hindi pa tapos ang pagbabago. Pero mas safe na ba ng inyong mga lugar? Kahit papano po ba, yung mga pusher sa inyong lugar, hindi ba takot na rin?," tanong niya sa publiko.


"Hindi ba kahit papano, ang pulis ngayon, kapag nakita natin, hindi natin tinatakbuhan natin palayo, tinatakbuhan natin papunta dahil alam nating tutulungan tayo ng mga pulis na yan?," dagdag ng senador. #

No comments:

Post a Comment