Sulat ni Paqs Basila
BUMABABA nang husto ang bilang ng ‘petty-crimes’, ayon sa tala ng mga police precincts sa distrito-uno. Dumami pa ang maituturing na ‘drug-cleared’ barangays. Habang tumataas ang antas ng tiwala sa Kapulisan sa kanilang ginagawang pagsawata sa paglaganap ng iligal na droga at gumagawa ng iba’t-ibang krimen.
Ito ang laman ng report na inilahad ng Kapulisan sa mga dumalong alkalde sa isinagawang District Conference, noong February 02, sa Conference Hall, Alaminos City.
Ayon sa naitala ng bawat presento ng PNP sa siyam na bayan – Sual, Mabini, Bani, Agno, Dasol, Burgos, Infanta, Anda at Bolinao, at lunsod ng Alaminos ay nanatiling matiwasay at mapayapa ang distrito sa nakalipas na mga buwan.
Tagumpay daw ang mga Kapulisan na panatilihing mapayapa at matiwasay ang kanilang sinasakupan dahil daw sa tulong at ayuda ng mga lokal na pamahalaan at taumbayan.
Wow…tagumpay mo Pulis, wagi ang pamayanan ko!
****
Funfilled ang Pakwan 2017
Funfilled ang Pakwan 2017
GANITO ang nahayag na resulta sa mga kasayahang nabuyangyang sa Pakwan Festival 2017, sa halos isang linggo na selebrasyon (January 28 to Februay 4), ay litaw ang pinagaling, pinahusay at buklurang kilos at gawa ng mga kalahok.
Wagi sa hangad na pagkakaisa ang sambayanang inakap na ng husto ang mithi at nais ng Pakwan Festival para sa mas nakararami dito na ipagmalaki ang tanim at ani na Pakwan.
Say nga nila, ‘a resounding success’ ang akda ni Mayor GWEN Palafox-Yamamoto na Pakwan Festival.
Sabi nga, Tagumpay mo, wagi sila!
****
Sabi nga, Tagumpay mo, wagi sila!
****
Mayor MARVIN, rumaratsada!
BAGUHANG alkalde, musmos na turing ng mga kasama.
Pero, sa marubdob na dedikasyon na makapaglingkod bilang AMA at KINATAWAN ng bayan niya at kababayan ay susuungin ang mga pagsubok, pagbubutihin ang bawat hakbang at gawain para sa tagumpay na hangarin bilang alkalde – Mayor MARVIN Martinez.
Ganito madalas ipakilala sa pagtitipon ang naging konsehal ng bayan bago maging kauna-unahang pinakabatang Alkalde ng bayan ng Infanta, Pangasinan.
Opo, anak ng yumao dahil pinaslang na Alkalde Ruperto ‘Pertoy’ Martinez, na kinilala at pinamahal na totoo ng kanyang kababayan dahil sa kababaan ng loob at sadyang matulungin sa kapwa.
Teka, last week ay bahagi sa tagumpay ng Bureau of Fire ng Infanta sa pagkakaroon ng bagong fire-station building si Mayor MARVIN.
Habang months ago, worked too-hard sila Mayor MARVIN and other fellow elected-officials para sa pagkakaroon (soon) ng bagong municipal building to be erected through the P50M loan accorded, sa tulong ng ASEC na kababayan.
Ratsada sa serbisyo publiko si Mayor MARVIN, kaya ang imahe ng kanyang AMA na sadyang matulungin ang totohanang naisasagawa at lakip lagi ang pagmamahal na Mayor MARVIN, tiyak kuntento ka.
Susme, Mayor MARVIN ba naman, wagi sa Infanta yan!
*****
*****
More Actions to Come……abangan
Hundred Island’s Paraw Festival, aligaga na sa paghahanda. Habang ang Bolinao Fishermen’s ‘Mangunguna Festival’ ay naghahanda na rin. Sus, liwanag na selebrasyon ang hatid ng Sual’s Silew na Bilay 2017 edition. Dasol town-fiesta first, then ASIN festival.
Basta, winner ang mga taga-Mabini sa paglulunsad kamakailan ng Balsaan Festival. Gumagayak na rin ang Agno’s Rock Festival for 2017. Resounding success ang turing sa katatapos lamang na 2017 edition ng Pakwan Festival of Bani.
Eto kasi ‘yon, Tagumpay mo, wagi tayo!
No comments:
Post a Comment