Saturday, August 24, 2013
Cayetano : PNoy, a true reformist
1) Ako po ay lubos na natutuwa at nagpapasalamat sa ating Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang posisyon na dapat ng i-abolish ang Pork Barrel, at palitan ito ng line-item budgeting kung saan mas magiging transparent ang pag gamit ng pondo ng bayan. Dyan naman tayo bumibilib talaga sa ating Pangulo dahil sa mga ganito kalaking desisyon ay nakikita natin na siya ay isang "true reformist". Hindi sya natatakot gumawa ng reporma at pakinggan ang hiling ng taumbayan.
2) I congratulate also the Filipino people. This is People Power at its finest. Ito and totoong people power! Kung hindi nila pinalakas ang kampanya laban sa pork barrel ay malamang hindi agad nangyari ang repormang ito. Suportahan po natin ang mangyayaring Million Person March/ rally sa Lunes laban sa PDAF para ituloy ang public pressure laban dito at sa lahat ng uri ng korapsyon.
3) Pero hindi ibig sabihin hindi na dapat mag-imbestiga. Hindi natin maitutuwid ang isang bagay kung hindi natin alam saan bumaluktot at kung bakit. Kailangan may managot dahil hindi biro ang napakalaking halaga na napunta lamang sa bulsa ng mga iilang tao na nagpayaman pa at the expense of the people’s money. Dapat tuloy pa rin ang imbestigasyon para masigurado na merong managot at maparusahan.
4) Through God’s guidance this is now the time for Congress to act on this matter, get to the bottom of this scam, and completely abolish the pork barrel. Kailangan nating ituloy ang isang credible at independent investigation para masigurado nating managot ang may mga sala at gagawin ko din ang lahat ng makakaya ko para masigurado na mangyari ito at magkaroon ng totoong People’s Budget ang ating mga kababayan.
No comments:
Post a Comment