Thursday, November 22, 2012

Manay Gina mamimigay ng "Magic" Bulbs

Pangasinan Rep. Gina de Venecia

 Ang libreng bumbilya na ipamimigay ni Pangasinan Kongresswoman Gina de Venecia ay mula sa Department of Energy. Ang kailangan lang po, bago kayo bigyan nito, ay ang inyong pinakahuling electric bill. Mangyari ay gustong ipakita ng Department of Energy na talagang liliit ang ating konsumo sa kuryente kapag gumamit ng mga ganitong klase ng ilaw --- ito pong tinatawag na Compact Fluorescent Lamp o CFL.
 Ayon kasi sa pag-aaral, ang CFL bulb ay gumagamit lamang ng one/fifth hanggang one-third na kuryente, at magagamit nang labinglimang beses na mas matagal, kaysa sa ordinaryong bumbilya.
 Kaya kung masasanay po tayo sa paggamit nito, mas makatitipid tayo, at magagamit natin ang sobrang pera para sa ibang pangangailangan ng ating pamilya.

MANAY GINA’S PROJECTS 

 Maliban sa anim na major road projects sa Dagupan, (Bonuan Gueset Rd.-100% finished; Mayombo District Road-95% finished; Arellano-Bani Road-100% finished; Tapuac District Road-100 % finished; Lucao District Road, 60 % finished; De Venecia Hi-Way-50% finished) ang 20 M spur dike sa sitio Pontok sa Bonuan Binloc na matatapos ngayong Disyembre, De Venecia Scholarship Program, Computer School on Wheels at ang De Venecia Dental and Medical Mission, narito pa ang ibang proyekto ni Manay Gina para sa huling buwan ng taon at sa unang bahagi ng susunod na taon.

  DAGUPAN CITY PROJECTS:

 SA DAGUPAN, napondohan na, at sisimulan na ang:  --ang paggawa sa concrete pavement sa Sitio Centro sa Salapingao;  --ang extension ng Barangay hall ng Mangin; ---ang slope protection project sa tabi ng barangay hall ng Tebeng,  ---ang improvement ng barangay hall ng Bolosan  ---ang pagpapagawa sa drainage system ng Herrero Perez, Salisay, Lasip Grande, gayundin ang phase 1 ng drainage system sa Bonuan Boquig  --- ang improvement ng covered court ng Lomboy --- ang improvement ng Leo Francisco Maramba Elementary School sa Bonuan  Boquig --- ang waiting shed ng Pugaro  --- ang Phase II ng Alumni Building ng Dagupan City National High School, worth 1.5 million --- ang phase 2 ng ating Mental Health building  ----ang pagpapagawa ng concrete fence sa Bacayao Elementary School sa Bacayao  Sur ---- ang concreting ng shoulder sa harap ng Tambac Elementary School  --- ang patuloy na improvement ng kalsada sa harap ng Pantal Elementary School . Nakatakda ring matapos ngayong Disyembre ang Protective wall at spur dike, worth 20 million na itinatayo sa Sitio Puntok sa Bonuan Binloc upang iligtas ang nasabing barangay sa soil erosion kapag may baha o bagyo.
 Maliban dito, nakakuha rin ng pondo mula sa Department of Agriculture si Manay Gina, upang maipagawa ang mga farm–to-market roads sa Pogo Chico, Lasip Grande, Salisay, Mayombo, Lucao, Bonuan Boquig at Lasip Chico, Lomboy at ang Amado Road sa Tapuac District.

 II. SAN JACINTO PROJECTS: 

 SA SAN JACINTO, ang mga proyekto na napondohan at malapit nang simulan ay ang mga sumusunod:  --- ang pagpapatayo ng solar dryer sa San Jose, San Juan at Awai  ---ang pagpapagawa ng slope protection sa Sto. Tomas --- ang pagtatayo ng Tanod outpost sa Magsaysay  ---- ang improvement ng barangay hall sa San Roque. Ang alternative livelihood project naman para sa San Jacinto ay ang Moringa Processing Plant and Plantation, worth 5 million, na itatayo sa Barangay Awai, at ang on-going na livelihood training sa bag-making, gamit ang corn husks.

 III. SAN FABIAN PROJECTS:

 SA SAN FABIAN, ilan sa mga proyekto ni Manay Gina, na napondohan at malapit nang simulan ay ang: ---- pagpapagawa sa Day Care Center ng Bigbiga  ---- ang Toilet at Artesian well para sa outpost ng Longos Central  ---- at ang improvement ng barangay hall ng Sagud Bahley
Mula naman sa Tobacco Excise Tax, ang mga napondohan ni Manay Gina na mga proyekto ay ang Farmer Center sa Anonang, Nibaliw West, Rabon at Mabilao  ---- ang improvement ng farm to market road sa Aramal, Bolaoen, Colisao, Cayanga, Inmalog Norte, Palapad -- ang Foot Bridge sa Sitio Pansil, sa Tempra Guilig  --- at ang drainage system sa Tocok .
Nakahingi rin si Manay Gina ng pondo mula sa Department of Agriculture, upang maipagawa ang farm- to- market road sa Bolaoen.
" Para naman mas mapalaki ang ani ng ating magsasaka, kinausap ko na rin ang National Irrigation Administration para ayusin ang limang malalaking irrigation canals sa ating bayan: - ang Lipit -Tomeeng canal structure and lining, worth 3.8 million;  - ang Palapad, Lipit - Tomeeng canal structure and lining, worth 4.4 million;  - ang Binday, Angio, Anonang, Cabaruan canal lining, worth 4.3 million - ang Binday, Angio, Anonang, Cabaruan canal structure and lining, worth 3.6  million  -at ang Anonang, Cabaruan, canal structure and lining, worth 3.3 million.  Ang alternative livelihood project naman para dito ay ang Moringa Processing Plant and Plantation, worth 15 million. Two weeks ago, ay sinimulan na rin ang pagpapagawa sa Fish market ng San Fabian, worth 5 million," pahayag ng masipag na mambabatas.

  IV. MANAOAG PROJECTS:

Ang mga proyekto naman na kasalukuyan niyang ipinapagawa ay ang mga kalsada sa Poblacion, Sapang, Matulong, pati na ang drainage sa Inamotan, ang Multi Purpose Solar Drier para sa Oraan East at Parian, gayundin ang Phase 2 ng Barangay Hall sa Pantal at Mermer.
Nakahingi rin sya ng pondo sa Kagawaran ng Pagsasaka kaya’t napondohan na rin, at malapit nang simulan ang mga farm-to-market roads ng Cabanbanan, Lelemaan at Lipit-Norte.
Tungkol naman sa kanilang alternative livelihood project, nag-usap na sila ni Mayor Sales tungkol sa itatayong malaki at magandang Pasalubong Center sa Manaoag. Ito ay magsisilbing showcase at pamilihan ng pinakamahuhusay na produkto ng ika-apat na distrito, at inaasahang lalong magpapasigla sa nasabing bayan.
V. MANGALDAN PROJECTS:

 SA MANGALDAN, ang mga proyekto naman na napondohan at malapit nang ipagawa, ay ang mga sumusunod:  --ang pagtapos sa covered court ng Anolid, Bari at David  --- ang paggawa sa drainage system ng Palua, Nibaliw, Salaan at Talogtog --- ang improvement sa barangay hall ng Lanas, Guilig at Bantayan  -- ang improvement ng barangay hall at health center ng Tebag at Salay --- ang paglalagay ng streetlights sa Inlambo --- ang drainage system at farm- to- market road ng Talogtog.
 Nakahingi rin si Manay Gina ng pondo mula sa Department of Agriculture, upang maipagawa na ang mga farm-to-market roads sa: Amansabina, Macayug, Banaoang, Guiguilonen, Embarcadero, Alitaya, Nibaliw, Buenlag at Guesang.
 Two weeks ago, ay pinasinayaan na rin ang katatapos na improvement ng MYDC na nagkakahalaga ng 1.5 million.

No comments:

Post a Comment