Pangasinan Rep. Gina de Venecia |
Ang proyekto, na inaasahang matatapos ngayong taon, ay nagkakahalaga ng dalawampung milyon, at isa sa mga priority projects ni Congresswoman Gina de Venecia. Nagpasya ang kongresista na agad itong ipagawa matapos personal na bisitahin ang nasabing lugar, at makita ang pinsalang dulot ng soil erosion mula sa umaapaw na tubig ng Cayanga river kapag may baha o malakas na bagyo.
Ayon kay Manay Gina, halos pitong metro na lamang ang layo ng natitibag na bahagi mula sa planta. Napag-alaman din nya na malaking bahagi ng sitio Puntok ang natatangay ng baha kapag umaapaw ang tubig sa Cayanga river.
Noong isang taon, pinangunahan ni dating Bonuan-Binloc Councilman Julius Alcaide ang isang signature campaign upang hilingin sa mga nakaupo na lutasin ang problema tungkol sa lumalalang soil erosion sa Puntok, kapag may baha. Nakarating ito sa kaalaman ni Councilor Jigs Seen, na siyang sumulat ng resolusyon para hingin ang tulong ni Congreswoman De Venecia, at iligtas sa pinsala ang Dagupan Seafood Plant at sitio Puntok.
No comments:
Post a Comment