Bale pitompung libong kapsula ng nasabing gamot kontra sa nakamamatay na sakit ang ibabahagi nya sa Bacaya Norte, Bacayao Sur, Caranglaan, Lasip Grande, Lasip Chico, Malued, Pogo Grande, Pogo Chico, Lucao, Mayombo at Pantal.
Samantala, natutuwa ang kongresista dahil nasa bicameral committee na sa kongreso at senado ang panukala nya para doblehin ang kapasidad ng region 1 Medical Center.
Ayon sa kongresista, napag- alaman niyang number three ito sa top 22 priority project ng Department of Health. Sa kanyang panukala, ang pagpapalaki sa nasabing ospital ay gagawin sa loob ng limang taon, kung saan animnapung bed capacity ang idadagdag kada taon.
Malaking tulong ito diumano sa pangangalaga ng kalusugan ng mga taga-Pangasinan, lalo na sa Dagupan, dahil magkakaroon ang siyudad ng primera klaseng ospital , na ang gastusin sa operasyon at pamamahala ay walang kinukuha ni singko sa kaban ng bayan.
Bukod dito, walang hinto pa rin ang pagsasagawa nya ng libreng medical and dental mission sa 140 barangays ng ika-apat na distrito. Noong Agosto 30,2012 araw ng biyernes, ang nasabing libreng medical mission ay gaganapin sa barangay sapang at nalsian sa Manaoag.