Saturday, June 23, 2012

MOA sa media irespeto (matapos maaresto media man sa Pangasinan)

Jaime Aquino (2nd from Left) the renowned hard hitting media man
NANAWAGAN kahapon si Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na respetohin ang napagkasunduan nilang MOA noon pang 2001.



Ani Yap, nagkasundo ang pamunuan ng National Press Club (NPC) na dating pinamumunuan ni Louie Loragrta, at ang Department of Interiors ang Local Government (DILG) na noon ay pinamumunuan ni Joey Lina, na ipatupad ang probisyon ng United Nation sa Declaration of Human Rights, na lahat ng tao at may karapatan sa kalayaan sa pamamahayag at pagsasalita.



Aniya, nakapaloob sa memorandum of agreement na pirmado nina Logarta at Lina na obligasyon ng gobyernong respetuhin ang kalayaan sa pamamahayag ng mga media men.



Nakapaloob din umano ditong obligasyon ng NPC na protektahan ang interes ng mga miyembro nito at siguruhing tinutupad din ng mga miyembro ang Journalist’s Code of Ethics at Konstitusyon, gayundin ang mga legalidad na kasangkot dito. 



Dahil dito, nagkasundo umano ang DILG at NPC na hindi isisilbi ang ano mang warrant of arrest sa sino mang media man na inaakusahan ng libel o ano mang kasong may kaugnayan sa kanyang trabaho na hindi muna ipinaaalam sa NPC.



Ayon naman kay ALAM Pres. Berteni Causing, maraming pagkakataong hindi natutupad ng DILG ang nasabing MOA.



Isa aniyang halimbawa ay ang kaso ni Pangasinan reporter Jaime Aquino na inisyuhan ng warrant of arrest kamakailan.



Ani Causing, ayon sa batas ay hindi krimen ang libel kaya hindi dapat tinatratong criminal ang mga reporter.



Kung nakagagawa umano sila ng pagkakamali kaugnay ng kanilang trabaho, dapat ipagbigay-alam ito sa NPC tulad ng napagkasunduan.



Si Aquino ay pinosasan at agad ikinulong noong Miyerkules, June 20, dakong 8 a.m. nang isinilbi sa kanya ang warrant.



Ani Aquino, wala siyang natanggap na notice o subpoena ng libel kaya hindi niya alam na may ganoon siyang kaso.



Hinihinalang ang nasabing kaso ay isang uri lamang ng harassment kay Aquino.



Gayunman, tinulungan si Aquino ng ALAM na magpiyansa ng P10,000 upang pansamantalang makalaya.



Si Aquino ay coordinator ng ALAM sa Pangasinan (Hataw).

No comments:

Post a Comment