CORN, ANYONE?: San Jacinto's corn trade gets a boost with the support of Rep. Gina de Venecia, who funded the creation of 11 portable corn stalls for the corn vendors of Brgy. Sto. Tomas. Photo shows (From left)Mayor Robert de Vera , Sto, Rep. De Venecia and . Tomas Capt. Zandro de Guzmanduring the livelihood program's inauguration, recently.
Para paigtingin ang kakayahan ng kapulisan, na tugisin ang mga nagkasala kapag may krimen, nagdesisyon si Manay Gina de Venecia na magbigay ng tigda-dalawang motorsiklong de- kalibre na kayang tumugis sa mga kriminal kahit sa tuktok ng bundok, ang nakahandang ipagkaloob ng kongresista sa police forces ng limang lugar na nasasakupan ng kanyang distrito: San Fabian, Dagupan City, Mangaldan, San Jacinto at Manaoag.
Ito ay bunsod ng trahedyang sinapit ni Kapitan Arsenio Bucao ng Barangay Tocok nang nakalipas na Barangay Night ng San Fabian, kung saan panauhin din si Manay Gina. Sa nasabing krimen, humalo sa publiko ang gunman at nakatakas nang hindi nahabol ng mga pulis dahil sa kakulangan ng sasakyang angkop sa ganoong sitwasyon.
Bilang kasapi ng Committee on Public Order and Safety ng Kamara, inakda rin ni Manay Gina ang House Resolution 866 na mariing kumukondena sa ginawang pagpatay kay Kapitan Bucao ng Tocok, at nagsusulong sa patuloy na paghahanap ng katarungan sa mga ganitong uri ng walang kabuluhang pagpatay.
Bilang pangulo naman ng Association of Women Legislators ng Kongreso, hinikayat n’ya ang mga kasapi na magbigay rin ng mga motorsiklo sa kapulisan ng distritong kanilang nasasakupan.
No comments:
Post a Comment