MARIING tinututulan ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Phils. (CAMPI) ang pag-angkat ng segunda manong sasakyan. Nauunawaan ko ang pagkabahala ng grupong ito. Subalit kung pag-aaralang mabuti, halos walang idudulot na epekto sa kanila ang importasyon ng mga second-hand vehicles.
Nasa ibang income bracket kasi ang merkado ng segunda manong mga behikulo. Ang mga may nais at may kakayahang bumili ng brand-new cars ay bibili nito kahit mayroon second-hand vehicles na mabibili.
Ang walang “purchasing power” para bumili ng bagong kotse ay hindi na lamang bibili ng sasakyan kung walang segunda mano na mabibili sa murang halaga.
Subalit ang mga miyembro ng CAMPI ay maaari rin kumita mula sa owners ng second-hand cars. Ito’y sa pamamagitan ng spare parts at iba pang repair and maintenance services.
Kaya’t mayroon pa rin ganansya ang local car industry mula sa mga may-ari ng mga segunda manong sasakyan. Higit sa lahat, mayroon pagkakataon ang mga kababayan natin na hindi kalakihan ang sahod na magkaroon din ng kanilang sariling sasakyan.
****
Tama si Customs Commissioner Rozzano Rufino Biazon na palayasin mula sa kanilang tanggapan ang mga “hao siao” o fake na mediamen.
Talagang nagkalat sa Bureau of Customs (BOC) ang mga “reporters” na walang tunay na media outfit. Ang pakay ng mga bogus mediamen na ito ay hindi ang gumawa ng report kundi ang gumawa ng pera!
Istorbo pa sa pagta-trabaho ng lehitimong reporters ang mga ‘hao siao’ dahil kinu-konsumo nila ang oras para sa mga press conference. Kadalasan puro non-sense pa ang kanilang mga tinatanong!
Personal kong naranasan kung gaano kakulit ang mga ‘hao siao’ na ito noong ako’y pinuno pa ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG). Kung maka-delihensya ang mga ito akalain mo mayroong ipinatagong pera!
At kung hindi mo pagbibigyan, pagbabantaan ka pa na ikaý sisiraan. Subalit wala rin naman silang magagawa kasi hindi sila totoong konektado sa anumang pahayagan o istasyon!
Minsan ang mga ito ay “freelance” reporters o photographers kung kaya’t mayroon silang mga ID mula sa kung anong media outfit. Ang mga malalaki at makukulay na media ID na ito ang kanilang ginagamit na puhunan para makadelihensya sa mga Customs officials.
Dapat talagang magkaroon ng maayos na accreditation process para sa mga tatanggapin sa BOC press corps. Tiyak na susuportahan ito ng mga lehitimong mamamahayag dahil sa aking pagkakaalam, inis na inis din sila sa mga pekeng mediamen!
Ngunit kailangan maging maingat din si Ginoong Biazon sa kanyang pakikitungo sa mediamen dahil baka mabastos ang mga ito kung kanilang maramdaman na pinagdududahan ang kanilang credentials.
Mahirap makabangga ang mga legitimate media practitioners lalo na kung ang mga ito’y hindi nakikisawsaw sa katiwalian sa BOC! Ang kailangan ay isang discreet screening process para hindi rin mainsulto ang mga tunay na reporter.
****
Subalit bakit nga ba namumugad ang mga ‘hao siao’ reporters sa isang ahensya katulad ng BOC? Sapagkat talamak din ang korapsyon sa tanggapang ito!
Sadyang maraming itinatagong mga sikreto ang mga opisyales ng BOC kung kaya’t sila’y naghahanap ng mga kakampi sa media. Umaasa sila na sila’y mapo-protektahan ng kanilang media connections laban sa mga kasong maaaring ipukol sa kanila. Ito naman ang sinasamantala ng mga “fly-by-night” mediamen.
Ang hindi maipaliwanag na paglaho ng 2,000 container vans mula sa BoC ang isang halimbawa kung bakit pilit naghahanap ng kakampi sa media ang mga customs officials. Natural lamang na sila’y takot mabatikos! Kung may ginawa silang milagro.
Kung matatanggal ang graft and corruption sa Adwana, walang dapat ika-takot ang mga opisyales ng BOC mula sa media! Dahil ang tanging misyon ng isang tunay na mamamahayag ay ang mag-labas ng katotohanan.
Sinusuportahan ko po ang bagong-talagang commissioner sa kanyang hangarin na maibalik ang integridad ng BOC.
****
Anong klaseng mga tao nga ba ang gumagalaw d’yan sa Adwana? Tingnan natin ang kaso nitong si Efren dela Cruz Ledesma, isang customs broker sa Davao City.
Si Efren ay nahaharap ngayon sa kasong rape at drug possession! Inaresto siya ng mga awtoridad sa Cabaguio Hotel nitong nakaraang Biyernes batay sa reklamo ng isang 18 anyos na babae na diumano’y kanyang ni-rape. Nabawi mula sa suspect ang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.
Base sa salaysay ng biktima, siya’y pinagamit muna ni Efren ng shabu bago siya niluray! Kung mapapatunayan na siya’y nagkasala, marapat lamang na mabulok sa bilangguan itong si Efren!
Bagama’t ang BOC ay tila isang lugar ng iba’t ibang uri ng buwaya, may pagkakataon pa rin naman na ito ay mabago ngunit sa paraang pagtatanggal ng 99% ng bumubuo rito!
Ngunit dahil hindi maaari sapagkat sila rin ay saklaw ng Civil Service Commission, imposible na ang totoong pagbabago sa loob ng ahensya!
* * * *
Sa pagkakataong ito, nais kong batiin ng isang Happy Birthday ang aking inaanak at chief-of-staff na si Jeff Patawaran sa Biyernes. Ngayong araw na ito, ang binyag sa kanyang panganay na anak na si Sean Joffrey Patawaran. Welcome to Christiandom, Jethro!
Happy Birthday din sa aming apo na si Ian Villar bukas! First Honor siya sa Ateneo Grade School. Ganun din sa aking kapatid na si Atty. Rey Villar, advance Happy Birthday sa Sabado!
Belated Happy Birthday naman kay Ryan Villar ng Central Bank na aking pamangkin na anak ni Atty. Rey Villar at congratulations din sa kanyang pagtatapos ng Masters sa USA!
Happy Birthday din sa aking kaibigan na si Nestor Manahan na magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon!
Sa inyong lahat na nagdiriwang ng kaarawan, sumainyo muli ang pagpapala ng Diyos!
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa wagkukurap_101@yahoo.com.ph)

No comments:
Post a Comment