By Mortz C. Ortigoza
Pagkatapos lindolin ang tinirhan kung 10 rooms na old house dito sa M’lang, Cotabato kaninang 4:30 A.M, ako'y nagkakape sa gate ng Kamalig Water Refilling Station na nasa harapan lang ng aking tinirhan na malapit rin sa plaza
Dito makikita ang iba't ibang uri ng tao na mga taga bayan at barrio na nagsisidatingan dala-dala ang empty water containers nila sakay ng mga motorsiklo, tricycle, at mga di makinang sasakyan.
Hindi gaya noong 1970s at 1980s na kung saan ay basta na lang kami humihigop ng tubig sa poso, balon, at flowing wells sa bukid o sakahan sa mga Bisaya, ang tubig dito sa rustic landlocked na first class town ko ay malansa na kahit na may gripo na ng Nawasa sa mga barangays.
Habang hinihigop ko ang Bukidnon refined brewed coffee na mainit na bigay ni DepEd Kabacan National High School Principal Doctor Rene Pacolor, kebegan ko na mahilig sa world issues, may dalawang lalaki na taga barrio na nagkasalubungan dala-dala ang mga containers na lulan sa kanilang mga motorskilo.
LALAKI 1: Kamusta ang last night sa patay noong isang gabi?
LALAKI 2: Masaya, madaming tao!
LALAKI 1: Malakas ang sugal?
LALAKI 2: Sobrang lakas. Noong umaga kasi kakatangap lang nila doon sa P5,000 nila sa DSWD hayon pinagpupusta na sa sugal.
ME: E di natuwa iyong namatayan, malaki ang tong sa lumisan na mahal nila sa buhay.
Sabay na napa-oo ang dalawa sa aking tanong.
GAMBLING in a wake in the Philippines. Police usually do not apprehend the gamblers here despite being included in the gambling laws of the country due to custom. |
Ani noong isang peasant woman na nag mi-meron sa dalawang
nag uusap: Hindi rin naghihirap ang mga tao doon sa barrio nila kasi kabebenta
lang nila ng mga harvest na palay. Tapos sumabay pa si (Social Amelioration
Program - author) ng DSWD kaya hayon
umuusok ang pustahan sa sugal.
Only in the Philippines!
***
Noong isang lingo ang title ng blog ko: My Encounter With a Lady Ghost kung saan naka sagutan ko ang White Lady na matagal ng nakatira dito sa ten rooms’ old walled house kung saan ako ay nakasadlak mahigit na isang buwan dahil sa lock down.
Kaninang umaga habang ako nag jo-jogging sa M’lang Plaza, may isang lalaking nagpakilala na siya si Lika DepEd Teacher Lot Capuyan – kasama kung manginginom ng tuba noong early 1980s sa landlocked na bayan sa Cotabato;
“Diyan ka pala nakatira sa malaking bahay, Mortz? aniya.
“Oo,” ani ko.
“Matagal ng may balitang may mga nagpapakita diyan, dahil nasa itaas ang kuarto mo may naramdaman ka ba?
“Oo, noong isang gabi habang tumatagay ako ng Shoktong kasi ubos na ang paninda na Tanduay ni Africa Store diyan sa tabi”.
“Anong klaseng multo ang andiyan, iyong kapre, tikbalang, o iyong white lady na nabasa ko sa blog mo na nilagay mo pa sa community page na Taga Mlang Ako (Official)?”
“Tatlong Bampira ang narinig ko sa isang kuarto na katabi ko kagabi ng hating gabi. Ganito ang huntahan nila:
MAYAMANG VAMPIRE: Oorder ako ng fresh blood diyan sa District (Emergency) Hospital bukas ng alas kuatro habang wala pang nagjojoging sa plaza.
ORDINARY VAMPIRE: Sa akin isang order na dinuguan.
POOR VAMPIRE: Hot water na lang sa akin diyan sa Kitoy Restaurant.
MAYAMAN NA VAMPIRE: Bakit hot water lang ?
POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako ng napkin diyan sa mga damuhan kung saan may mga nagdi date na mga students. Mag-tsa tsaa na lang ako.
***
DAGDAG JOKE PA!
Nay, bakit po VICTORIA ang name ni ate?
Kasi anak dun namin siya ginawa ng itay mo…
Eh bakit si kuya, ANITO?
Ay, tumigil ka na nga Luneta at baka mapalo kita! tawagin mo na si kuya FX mo.
READ MY OTHER BLOG: