Sunday, December 3, 2017

Mayor GWEN kaagapay sa Kalusugan

Image result for gwen palafox yamamoto
 Bani Mayor Gwen Yamamoto-Palafox


BANI, Pangasinan West – TUON lagi si Mayor GWEN Palafox-Yamamoto sa ikabubuti ng kanyang kababayan sa lahat ng aspeto ng magandang buhay, lalo na para manatiling malusog at matiwasay ang taumbayan na sadyang liyag na pinagsisilbihan.
GANITO ang naibuyangyang na alab na pagmamalasakit na ipinamalas ni Mayor GWEN sa kanyang pangunguna sa kamakailan ay serbisyong pagkalusugan para sa mga taga barangay Tiep na katuwang ang Kalusugan Karavan ng provincial government, noong November 21.
TINIYAK ni Mayor GWEN na sa abot-kaya ng lokal na pamahalaan at bigay ayuda ng provincial government ay mapagtutuunan ng kaukulang pansin ang mga pangangailangan ng mga nagpasuri, nagpa-konsulta na mga kabarangayan.
ALINSUNOD sa tahak na laan sa mga programang pangKalusugan, hangarin ni Mayor GWEN na ang mga outreach services na tulad sa Kalusugan Karavan ay pamamaraan na iparating ang tugmang kalinga para sa lahat ng barangay dito.
LABIS na pinasalamatan ni Mayor GWEN ang provincial government sa paghahatid ng Kalusugan Karavan dito, pinugay ang kasipagan ni Provincial First Lady Karina Padua-Espino, na nanguna sa Karavan na ang pakay ay pag-aaruga sa pangKalusugan ng lahat. (KITZ BASILA)

No comments:

Post a Comment