Tuesday, November 19, 2013

Mayor at Vice Mayor ng Pangasinan muntik-nang-Magsabunutan

Bani Mayor Gwen Yamamoto

 By BOMBO RADYO - DAGUPAN

 DAGUPAN CITY - Nagkainitan sina Bani Mayor Gwen Yamamoto at ang kaniyang vice mayor na si Filipina Rivera dahil lamang umano sa mga nakasabit na banderitas sa kanilang municipal hall. Nabatid na naging mainit ang kromprontasyon ng dalawang opisyal na muntik na umanong mauwi sa sabunutan na siyang ikinagulat naman ng mga taong naroon sa lugar na nakasaksi sa komprontasyon.
Bani Vice Mayor and
Lawyer Filipina Rivera
Inireklamo ni Rivera ang alkalde at sinabing sinugod umano siya ni Mayor Yamamoto matapos maiparating dito na kanyang tinanggal ang mga nakasabit na banderitas at tinangka pa itong sampalin. Paliwanag naman ng alkalde, pinuntahan lamang niya si Rivera para tanungin kung bakit nito inaalis ang mga banderitas. Iginiit nito na wala naman siyang balak na saktan ang bise alkalde. Pagtitiyak ni Yamamoto, may mga nakakita rin aniya sa insidente at makakapagpatunay sa totoong nangyari. Kaugnay nito, kumakalat naman sa social networking site na Facebook ang namagitang komprontasyon ng dalawang opisyal. - See more at: http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/32444-mayor-at-vice-mayor-ng-bani-pangasinan-muntik-nang-magsabunutan-dahil-sa-banderitas.

No comments:

Post a Comment